Tinawag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na isang “continuing crime” o paulit-ulit na intriga sa pulitika ang mga usap-usapang pagpapalit ng pamunuan sa Senado.

Ayon sa kanya, matagal nang ginagamit ang ganitong tsismis upang pahinain ang liderato ngunit bihirang magkatotoo.

Nilinaw ni Lacson na walang opisyal na hakbang o kumpirmasyon mula sa mayorya hinggil sa umano’y pagbabago ng pamunuan.

Ito ay kasunod ng mga espekulasyon na may kilusan laban sa pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Samantala, sinabi ni Sotto na may biruan lamang tungkol sa posibleng paglipat ng ilang senador mula minorya patungong mayorya.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang noong Oktubre ay mariin na ring itinanggi ni Lacson ang kaparehong alegasyon at tinawag itong lumang taktika ng panlilinlang sa publiko.