
Bahagyang bumaba sa ₱17.46 trilyon ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng Setyembre.
Batay sa inilabas na ulat ng Bureau of the Treasury (BTr), bunga ito ng maayos na pamamalakad sa pananalapi, maingat na pangungutang, at proactive liability management ng pamahalaan, kasabay ng matatag na kondisyon sa merkado at mataas na kumpiyansa ng mga lokal na mamumuhunan.
Sa datos ng BTr, tinatayang 68% o ₱11.97 trilyon ng kabuuang utang ay mula sa domestic borrowings, alinsunod sa polisiya ng gobyerno na bawasan ang foreign exchange risk at palakasin ang domestic capital market.
Samantala, bahagyang tumaas sa ₱5.48 trilyon ang external debt ng bansa, na iniuugnay ng BTr sa paghina ng halaga ng piso laban sa dolyar.






