Tumaas na naman ang utang ng pamahalaan sa P15.48 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.
Ayon sa Bureau of treasury, ito ay bunsod ng tumaas na utang sa bansa at sa abroad at idagdag pa ang paghina ng piso sa ibang currencies.
Batay sa datos ng BTrm, ang kabuuang state obligations ay tumaas ng P135.90 billion noong Hunyo, mas mataas ng 0.9 percent sa nakalipas na buwan.
Kumpara naman noong 2023, ang utang ng bansa ay tumaas ng 9.4 percent o P1.335 trillion sa pagtatapos ng Hunyo.
Humina ang piso ng 13 sentimo sa 58.658 laban sa dulyar sa pagtatapos ng Hunyo.
Tumaas ang domestic borrowings na bumubuo sa 68.29 poercent ng kabuuang utang sa 1.2 percent o P10.57 trillion noong Hunyo.
Naitala naman ang 0.1 percent o P4.91 trillion na pagtaas sa external debt nitong nakalipas na buwan.