Tumaas pa ang utang ng Pilipinas sa P15.69 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo ngayong taon.

Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), ito ay bunsod ng issuance ng government securities at project loans.

Ipinakita ng BTr na tumaas ang total state obligations ng P206.49 billion noong Hulyo, mataas ng 1.3 percent mula sa nakalipas na buwan.

Kumpara nitong nakalipas na taon, tumaas ang utang sa loan ng 10.1 percent, o karagdagan na P1.45 trillion-debt noong Hulyo.

Iniugnat ng treaury department ang mas mataas na utang dahil sa pagtaas ng domesctic debt bunsod ng issuance ng government securities at bagong government loans bagamat bahagyang nagdulot ng paggaan ang mas malakas na piso.

-- ADVERTISEMENT --