TUGUEGARAO CITY- Hindi mabayarang utang ang nakikita ng PNP na dahilan ng pagbigti ng isang negosyante sa Sto. Niño, Cagayan kaninang umaga.
Sinabi ni PCAPT Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sto. Niño na bago ang pagpapakamatay ni Nicanor Melad, 53, ng Brgy. Virginia ay may nasabi umano niya sa kanyang mga kamag-anak at ilang kaibigan na kung hindi niya mababayaran ang kanyang utang ay mas mabuti na siya ay magpakamatay.
Ayon kay Gabatin, kagabi ay kasama pa ng kanyang kamag-anak ang biktima.
Subalit kaninang umaga ay nakita ng kanyang pamangkin ang biktima na nakabitin na sa kanyang tindahan at wala ng buhay.
-- ADVERTISEMENT --