TUGUEGARAO CITY- Sisikapin ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na mapunaN ang mga bakanteng posisyon sa kapitolyo.

Sinabi ni Maria Alda Natividad ng Human Resource Management office na sa ngayon ay may 1,392 plantilla positions at sa bilang na ito ay 302 ang bakante.

Ayon sa kanya, hindi nila naharap ang paghahanap ng mga karapatdapat na mga tao na uupo sa mga nasabing bakanteng posisyon nitong nakalipas na taon dahil inabutan ito ng election period at sa mga naranasang kalamidad kung saan kinapos sila sa deliberasyon.

Sinabi pa ni Natividad na inuuna nila ngayon ay ang pagkuha ng mga duktor at mga nurses.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Ofelia Parallag, administrative officer 5 na sinimulan na nila ang restructuring ng mga positions sa kapitolyo upang matugunan ang mga irrelevant positions sa kapitolyo.

Ayon sa kanya, hindi madali ang paglikha ng isang posisyon dahil sa kailangan din na ikonsidera ang ibang usapin dito tulad na lamang ng budget allocation.

Dahil dito, sinabi niya na kailangan ng masusing pag-aaral ukol dito.