Sinisikap ng Department of Education na mapunan ang mahigit 40,000 na bakanteng posisyon, kabilang ang bagong likha na teaching at school-based nonteaching positions.
Ipinag-utos ni Education Secretary Sonny Angara sa lahat ng DepEd offices na punan ang lahat ng bakanteng posisyon na nakitang hamon sa ahensiya.
Sa memorandum noong August 5, inatasan ni Angara ang lahat ng bureau at service directors, regional directors at schools division superintendents na gawin ang lahat ng hakbang para sa gagawing pagkuha ng mga bagong tauhan.
Sa kasalukuyan, may 46,703 na bakante o 4.53 percent ng 1,030,897 ng kabuuang authorized positions.