TUGUEGARAO CITY- Plano ni Mayor Joanne Dunuan ng Baggao, Cagayan na maglabas ng kautusan na nagbabawal sa mga residente na lumabas kung wala silang vaccination cards simula sa susunod na taon.

Sinabi ni Baggao na ito ay dahil na rin sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna sa kanilang bayan.

Ayon sa kanya, wala naman silang nakikitang problema sa mga vaccination sites at maging sa mga magsasagawa ng mga pagbabakuna.

Gayonman, sinabi niya na maaaring kulang pa sila sa information dessimination ukol sa availability ng mga bakuna at maging sa mga lugar kung saan isinasagawa ang vaccination.

Ayon sa kanya, 20 hanggang 25 percent pa lamang mula sa 98, 000 na populasyon ng Baggao na eligible na tumanggap ng bakuna ang nagpabakuna.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Dunuan na bukod sa pagkakaroon ng vaccination card ay magsasagawa na rin sila ng mobile vaccination lalo na sa mga liblib na lugar upang walang rason ang mga residente na wala silang oras para pumunta sa mga vaccination centers dahil sa kanilang mga trabaho.