TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyan umano ang ginagawang validation ng Department of social welfare and development (DSWD) sa mga senior citizen na benipisaryo ng social pension.
Pahayag ito ni Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-region 2 , kasunod ng mga reklamong natatanggap ng himpilan na hanggang sa ngayon ay hindi na natatanggap ng mga senior citizen ang kanilang pension.
Ayon kay Trinidad, ginagawa ng kanilang ahensiya ang validation para linisin at siguraduhing pasok sa itinakdang requirement ang listahan ng kanilang mga benipisaryo.
Aniya, ilan umano sa mga basehan sa mga kinukuhang benipisaryo ay walang natatanggap na pension sa pribado o gobyerno, walang natatanggap na assistance sa pamilya, sakitin at disability.
Kaugnay nito, sinabi ni Trinidad na nasa 218, 659 ang target ng kanilang ahensiya na i-validate kung saan mahigit 100,000 na umano ang kanilang natapos.
Pagpapaliwanag ni Trinidad na matapos ang gagawing validation, ipapasa umano ito sa kanilang central office kung saan sakanila na manggagaling ang final list ng benipisaryo.
Dagdag pa ni Trinidad na papalitan na rin umano ang pagbibigay ng pension na mula sa quarterly at papalitan na ito ng semester o dalawang beses kada taon.
Nabatid na tumatanggap ang mga kwalipikadong benipisaryo ng P500 kada buwan bilang tulong pinansyal.
Samantala, pinayuhan ni Trinidad ang publiko na partially damaged nitong nagdaang bagyong ompong na lumapit na lamang sa kani-kanilang mga Local Government Unit para humingi ng kaukulang assistance.
Sinabi ni Trinidad na para lamang sa mga totally damged ang ibinabang pondo ng kanilang central office at wala sa partially.
Paliwanag ni Trinidad na may sobrang pondo para totally damaged kung kaya’t ito ang naibigay sa ilang mga partially damaged.