Nagliyab ang isang van na may kargang bangkay habang bumibiyahe sa Amlan, Negros Oriental, nitong Sabado.

Batay sa isang video, makikita ang agarang pagbaba ng mga pasahero matapos magsimulang umusok ang sasakyan.

Ilang sandali pa, tuluyan nang nilamon ng apoy ang van.

Mabuti na lamang at naibaba agad ang bangkay bago pa ito madamay sa sunog.

Ligtas din ang lahat ng sakay kabilang ang mga kaanak ng namayapa.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa inisyal na imbestigasyon, problema sa baterya ang sinasabing sanhi ng sunog.

Ayon sa driver, naramdaman niyang umiinit ang kanyang upuan kaya’t agad nilang pinara at sinuri ang sasakyan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.