
Ipinunto ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros na kabilang ang kuryente sa kinakailangan ng mga mamamayang Pilipino para sa kanilang pamumuhay.
Pero bilang nagkaroon ng tensyon sa Middle East, batid ng senadora na nagdulot ito ng global restriction sa oil supply, rason kung kaya’t may pagtaas ng presyo ng kuryente.
Kaya para maresolba ang problemang ito at magdala ng ginhawa sa publiko, naghain si Hontiveros ng panukalang batas na naglalayong i-exempt sa value-added tax ang mga system loss charge mula sa residential electricity consumers.
Kung sakaling maisabatas ito, tungkulin ng Finance Secretary na konsultahin ang mga ahensya ng gobyernoat kalauna’y kailangan din nito na bumuo ng kinakailangang batas para sa pagpapatupad ng naturang batas.




