Tuguegarao City- Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang vegetable production bilang bahagi ng pagtutok sa food security sa ilalim Plant Plant Plant Program ng ahensya.
Sa panayam kay Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension, nais din ng DA na maging kaisa sa programang pagtatanim ng gulay ang mga pampubliko at pribadong tanggapan.
Bahagi aniya ito ng mga inilunsad na gulayan sa bakuran at paaralan ng DA.
Kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ay nagsagawa kahapon ng celebrasyon ang DA sa layuning paigtingin ang nasabing proyekto.
Naniniwala ang kagawaran na sa pamamagitan ng pagsulong sa programa ay matutulungan ang publiko na magkaroon ng supply ng pagkain lalo na sa gitna ng pandemya.
Bukod dito ay tinututukan din ng DA Region 2 ang pesticide safe gardening upang masigurong ligtas ang mga ibinebentang gulay sa mga pamilihan.
Nanawagan naman si Busania sa mga magsasaka na maging responsible sa paggait ng mga residio at pestesidio upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng mga kemikal na inilalagay sa mga gulay.