Iniulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the PhilippinesInc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) ang pag-angat ng vehicle sales o bentahan ng mga sasakyan noong buwan ng Hulyo ng hanggang 6.1%.

Umabot sa 10,923 units ng mga passenger car ang naibenta sa naturang buwan.

Ito ay tumaas ng 14.9% kumpara sa nakalipas na taon na umabot lamang sa 9,509 units.

Umabot naman sa 28,408 units ng mga commercial vehicle ang naibenta noong Hulyo habang 27,577 units lamang ang naibenta noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.

Katwiran ng CAMPI, maaaring naka-enganyo sa mga konsyumer ang mga bagong lumabas na design at mga bagong modelo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa unang pitong buwan ng 2024, umabot na sa 265,610 units ang mga naibentang bagong sasakyan sa buong Pilipinas.