TUGUEGARAO CITY-Tumaas ang bilang ng vehicular accident sa probinsiya ng kalinga kung ikukumpara nitong nakalipas na taon.

Batay sa report ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO)umabot sa 200 ang kabuuang bilang ng vehicular traffic accident mula nitong buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 131 sa kaparehong panahon ng taong 2018

Pinakamaraming aksidente ay naganap umano sa lungsod ng Tabuk na may naitalang 173.

ayon sa PNP, ilan sa mga dahilan ng pagdami ng bilang ng mga naaksidente sa daan ay ang overloading at underage.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, kabilang ang Kalinga sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng pagkamatay dahil sa aksidente sa rehiyon Cordillera.

Kaugnay nito, inatasan ni provincial director Job russell Balaquit ng kalinga ang mga chief of police (COPs) na huliin ang mga overloaded na sasakyan .

Hinimok din ni Balaquit ang mga opisyal ng Department of Education (DEPED) na pagsabihan ang mga estudyante na iwasan ang pagmaneho ng motorsiklo sa pagpasok sa kanilang eskwelahan.

Mungkahi rin ng opisyal na mag-deploy ng personnel ng public order and safety unit (POSU) malapit sa mga eskwelahan bilang tugon sa lumolobong vehicular accident sa nasabing probinsiya.