Inatasan ng Constitutional Chamber ng Supreme Court ng Venezuela si Vice President Delcy Rodriguez na pansamantalang pangulo ng bansa matapos ma-detain si President Nicolas Maduro ng mga pwersa ng U.S. nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa desisyon ng korte, hahalili si Rodriguez sa tungkulin bilang pangulo ng Bolivarian Republic ng Venezuela upang matiyak ang pagpapatuloy ng administrasyon at ang buong depensa ng bansa.

Dagdag pa ng korte, tatalakayin nila ang kaso upang tukuyin ang naaangkop na legal na balangkas na magsisiguro sa pagpapatuloy ng estado, pamamahala ng gobyerno, at pagtatanggol sa soberanya sa kabila ng pansamantalang pagkawala ng pangulo.

Ang hakbang na ito ay naglalayong panatilihin ang katatagan ng pamahalaan habang nasusuri ng korte ang mga susunod na hakbang sa ilalim ng batas.