Nakatakdang pumirma ng three-year, $27 million contract ang free agent veteran forward na si Kyle Anderson sa ilalim ng Golden State Warriors.

Si Anderson ay huling naglaro sa dalawang nakalipas na season sa Minnesota Timberwolves.

Pumayag siyang pumasok sa sign-and-trade deal kasama ang Warriors.

Ang sign-and-trade deal ay isang transaction sa National Basketball Association kung saan pipirma ang isang free agent ng bagong kontrata kasama ang isang team ngunit maaari din siyang i-trade sa ibang team na pwedeng piliin mismo ng naturang player.

Ang 30 anyos na si Anderson ay ang 30th overall pick noong 2014 draft at pinili siya ng San Antonio Spurs.

-- ADVERTISEMENT --

Apat na taon ang ginugol niya sa San Antonio kasunod ng pagpasok sa NBA hanggang sa tuluyan siyang kinuha ng memphis Grizzlies noong 2018. Noong 2022, na-trade siya sa Minnesota.

Sa nakalipas na season, nakapaglaro si Anderson sa 79 games kasama ang Wolves.

Naging starter siya sa sampung games at nagawa ang average na 6.4 points, 3.5 rebounds at 4.2 assists sa loob ng 22.6 minutes na kanyang paglalaro kada game.