Hinamon ni Vice Ganda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng mahigpit na aksyon laban sa mga magnanakaw upang maitaguyod ang isang magandang legasiya.
Lumahok siya sa rally sa People Power Monument ngayong Setyembre 21 kung saan libo-libong mamamayan ang nagtipon upang iprotesta ang umano’y korapsyon sa pamahalaan.
Binanggit ng komedyante na tungkulin ng Pangulo na sundin ang kagustuhan ng taumbayan na siyang itinuturing niyang tunay na “employer.”
Idiniin niyang hindi dahil sa paghanga kundi dahil sa pananagutan bilang halal na pinuno ang inaasahang pagtupad ni Marcos sa kanyang tungkulin.
Sa isang video na kumalat sa social media, nagpahayag si Vice ng panawagan para sa pagpapanagot ng mga tiwaling opisyal.
Pinunto niyang dapat nang ipakita ng administrasyon na seryoso ito sa paglaban sa katiwalian at pandarambong sa kaban ng bayan.