
Inabangan ng mga manonood ang TV host at comedian na si Vice Ganda sa launching ng bagong tourism brand ng Naga na “Naga is the Heart”, kagabi Mayo 1.
Kinumbinsi rin nito ang dating Vice President na tumakbo muli sa pagka Pangulo.
Pinakanta at pinaindak ni Meme Vice ang mga dumalo.
Nagbigay din ito ng mensahe ukol sa branding at kahulugan ng tourism brand. At sa kalagitnaan ng performance, binigkas na niya ang pagnanais na sana raw ay may tulad ni Mayor Leni Robredo na lider ng bansa.
Bago matapos ang programa, pabirong sinabi ng TV host na sa susunod na taon pa mag-aanunsyo.
-- ADVERTISEMENT --
Una nang sinabi ni Robredo na hindi na siya tatakbo sa national position at prayoridad nya ngayon ang Naga.




