Naghain ng kanilang kandidatura sa pagka-gobernador sina Vice Governor Melvin Boy Vargas, Jr at Doctor Ma. Zarah Rose De Guzman Lara sa ikalawang araw ng filing ng certificate of candidacy o coc.
Pasado alas onse ng umaga ng magtungo sa comelec provincial office sa Brgy San Gabriel, Tuguegarao City si Vice Governor Vargas para maghain ng kaniyang kandidatura.
Kasama ni Vargas sa pagfile ng kaniyang coc ang kaniyang partner na si dating LTFRB Spokesperson Celine Pialago at mga supporters.
Tatakbo ang last termer vice governor sa ilalim ng partido federal ng Pilipinas.
Kasama rin ng bise gobernador na naghain ng coc si Atty. Hang Liggayu na lalaban sa pagka-Board Member ng unang distrito ng Cagayan sa ilalim ng Aksiyon Demokratiko.
Pasado ala-una naman ng maghain ng certificate of candidacy ang team Kaunlaran sa pangunguna ni Dr. Zarah “Pulsar”Lara na tatakbo sa pagka-gobernador sa partidong Nationalist People’s Coalition o NPC.
Kasama niyang naghain ng kandidatura ang kaniyang ka-tandemn na si incumbent Cagayan 3rd District Board Member Leonides Fausto na sasabak sa pagka-bise gobernador.
Tatakbo si Fausto sa ilalim din ng political party na NPC.
Naghain din ng kaniyang coc si dating Governor Edgar Ramones Lara na pambato ng team kaunlaran sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Cagayan.
Kabilang din sa kaalyado ng team Kaunlaran na naghain ng kanilang coc ay sina Bishop Philip Pattaguan, Tuguegarao City Councilor Imogen Claire Callangan at Leonides Fausto, Jr. Na pawang tatakbo sa pagka-board member ng ikatlong distrito ng Cagayan habang si Arvin Garcia mula rin sa nasabing grupo ay tatakbo sa pagka Sanguniang Panlalawigan Member ng ikalawang distrito ng Cagayan.
Sinamahan ni 3rd District Cong. Joseph Lara ang kaniyang maybahay na si Dr. Zarah sa paghahain ng kaniyang kandidatura kasama ang kanilang supporters.
Samantala, sa Comelec Tuguegarao ay isa lang ang naghain ng kandidatura sa ikalawang araw ng coc filing sa katauhan ni Joyce Aurora Valdepenas na tatakbo sa pagka-city councilor sa ilalim ng Nacionalista Party.kanilang supporters.