Nahaharap sa disqualification complaint ang kasalukuyang Benguet Vice Governor Ericson Felipe dahil sa unano’y paggamit ng government resources para sa kanyang kampanya.

Si Felipe ay tumatakbo bilang kongresista sa Benguet.

Sa petisyon ng private citizen, inakusahan si Felipe ng paglabag sa Section 68 ng Omnibus Election Code (OEC) partikular ang paggamit sa sasakyan ng gobyerno sa kanyang kampanya.

Sinabi na ginagamit umano ni Felipe ang puting sasakyan na may markang “FOR OFFICIAL USE ONLY,” na nakita umanong nakaparada sa kanyang bahay sa Baguio City.

Sinadya umanong itago ang naturang marking sa pamamagitan ng magnetic sign na nakasulat ang “Good Governance Benguet” na campaign branding ni Felipe.

-- ADVERTISEMENT --

Ang naturang sasakyan ay nakarehistro umano sa Benguet provincial government batay sa certification mula sa Provincial General Services Office.

Hiniling ng concerned citizen sa Commission on Elections na kanselahin ang certificate of candidacy ni Felipe at ideklarang stray votes ang makukuha nitong mga boto.