Patay ang bise alkalde ng Ibajay, Aklan na si Julio Estolloso sa loob mismo ng kaniyang tanggapan pasado 9:15 kaninang umaga matapos siyang barilin.

Ayon sa Ibajay Municipal Police Station, binaril ng gunman na kinilala na si Mihrel Senatin si Estolloso gamit ang isang 9mm na baril.

Tinamaan sa kaliwang dibdib ang opisyal.

Agad naman na dinala sa ospital ang opisyal ngunit idineklarang dead on arrival ng 10:23 a.m.

Isa sa iniimbestigahang motibo sa krimen ang naging mainitang pagtatalo ng bise alkalde at ng suspek sa session hall nang humingi ang suspek ng kopya ng mga ordinansa na naipasa sa ilalim ng termino ng nasabing opisyal.

-- ADVERTISEMENT --

Tinangka ng suspek na tumakas subalit nahuli din siya ng mga awtoridad.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala ng 9mm.