TUGUEGARAO CITY- Dismayado si Vice Mayor Solferino Agra Jr. ng Claveria, Cagayan dahil sa hindi pagtalaga sa kanya bilang acting mayor sa kabila na incapacitated umano ni Mayor Celia Layus upang siya sana ang mamuno sa Municipal Inter-Agency Task Force para sa paglaban sa covid-19.

sa katunayan aniya, hindi rin siya inilagay na miembro ng MIATF.

Sinabi ni Agra na may itinalagang focal person si Layus sa katauhan ni Sangguniang Bayan member

Severino Agtuldo na siyang nagpapatupad ng mga direktiba at mga programa umano ng alkalde.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit niya na dapat na siya ang ilagay na acting mayor dahil sa hindi na pumapasok, lumalabas at

hindi na rin nakakapagsalita si Layus.

Sinabi ni Agra na idinulog na nila ang kanilang sitwasyon sa DILG subalit hanggang ngayon ay wala pa

silang aksion.

Ayon sa kanya, idinulog na rin niya ito sa korte subalit natalo siya sa kaso dahil sa kadahilanang

nagagampanan pa rin umano ni Layus ang kanyang trabaho sa kabila ng kanyang kalagayan.

Dahil dito, sinabi ni Agra na ipipilit nila ang nakasaad sa Local Government Code sa pamamagitan ng

manifesto na italaga siya bilang acting mayor dahil sa kalagayan ni Layus dahil sa naniniwala sila na

hindi na ang alkalde ang nagpapatakbo sa kanilang bayan.

Sinabi ni Agra na may nauna silang resolution na humihiling na dapat na i-assess ang kalagayan ni Layus

dahil sa mga pulong at iba pang mahahalagang aktibidad na kailangan ang presensiya ng alkalde ay hindi

siya nakakadalo.

Ayon pa sa kanya, sa tuwing may mga aktibidad o pulong ay naghahain ng leave si Layus at nagtatalaga ng

OIC mayor.

Sa ngayon ay isinasapinal na nila ang isa pang manifesto upang igiit ang kanilang panig sa DILG at sa

tanggapan ni Governor Manuel Mamba.