TUGUEGARAO CITY- Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang incumbent vice mayor ng Rizal, Cagayan na si Atty. Joel Ruma sa isang condominium sa Quezon City kahapon.

Itoy sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa kinakaharap na kaso ng naturang opisyal.

Matatandaan na kinasuhan ng murder si Vice Mayor Ruma matapos na isangkot sa pagpatay kay Sanguniang Bayan Member Alfredo Alvarez ng Rizal noong Hulyo 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Maliban sa bise alkalde kasama rin sa inisyuhan ng warrant of arrest ay sina Simeon Baloran, Jessie Labang, Dalden Guiyawan, Jose Batang at Jocel Sacayle.

Naunang tinukoy ni Franklin Alvarez na sina Baloran at Labang ang responsable sa pagpatay sa kaniyang ama na pinagbabaril sa Tuguegarao batay na rin sa closed circuit television o CCTV footage.

Ang dalawa ay nagsilbi umanong security aide ng bise alkalde.

Sa unang panayam ng Bombo Radyo, tinawag ni Ruma na politically motivated ang paghahain sa kanya ng warrant of arrest kasabay ng nalalapit na halalan ngayong taon.

Ayon sa kaniya 2018 ng unang na-dismissed sa City Prosecutors Office sa Tuguegarao ang kasong inihain ng anak ng napatay na dati nitong kaalyado na si councilor Alvarez.

Ngunit, matapos nito ay iniakyat naman ang kaso sa Departmet of Justice sa Manila kung kayat naghain sila ng motion for reconsideration para kuwestiyonin ito ngunit wala pang desisyon ang korte.

Binigyang diin din ng opisyal na wala siyang kinalaman sa nasabing pamamaslang at hindi rin niya kilala ang iba pang inisyuhan ng warrant of arrest maliban kay Simeon Baloran na dating Job Order sa LGU Rizal.

Sa ngayon ay pansamantalang naka-detine si Ruma sa CIDG sa Kampo Krame.

Si Ruma ay tumatakbo ngayon sa pagka-alkalde ng bayan ng Rizal, Cagayan.