Nagsampa ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) si Pasig City Mayor Vico Sotto laban kay Sarah Discaya kaugnay ng umano’y election overspending at perjury.

Personal na nagtungo si Sotto sa Political Finance and Affairs Department ng Comelec upang ihain ang reklamo.

Ayon sa alkalde, nilabag umano ni Discaya ang mga patakaran sa tamang paggamit at pagdedeklara ng campaign funds, at may mga hindi tugmang detalye sa mga dokumentong isinumite nito.

Si Discaya, na Chief Financial Officer ng St. Gerard Construction General Contractor and Development Corp., ay tumakbo ring alkalde ng Pasig noong nakaraang halalan.

Batay sa opisyal na resulta ng poll body noong 2025, nakakuha si Sotto ng mahigit 351,000 boto, samantalang halos 29,000 boto lamang ang nakuha ni Discaya.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma naman ng Comelec na natanggap na nila ang reklamo at sisimulan na ang pagsusuri sa mga ebidensyang kalakip.

Sa ilalim ng batas, ang election overspending ay maaaring magresulta sa disqualification at posibleng kasong kriminal laban sa isang kandidato.disca