
Mariing itinanggi ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida na hindi kasali ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng nawawalang mga sabungero.
Ayon kay Vida, ang utos ng korte ay para sa lahat ng law enforcement agencies at nagtutulungan ang mga ito sa operasyon.
Itinanggi rin niya na may utos mula sa kanya o sa Kalihim ng Department of Justice na huwag isama ang NBI sa paghahanap.
Dagdag pa ng kalihim, kanya-kanyang ginagampanan ng mga ahensya ang kanilang tungkulin upang madakip si Ang, at wala umanong opisyal ng gobyerno ang naglalabas ng impormasyon tungkol sa mga operasyon.
Ang pahayag ni Vida ay kasunod ng sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi muna siya humihingi ng tulong sa NBI sa paghahanap kay Ang dahil sa umano’y posibleng pagtagas ng impormasyon.










