Natagpuan ang isang vintage bomb sa harap ng Institute of Chemistry Teaching Building sa University of the Philippines Diliman campus noong Martes, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Iniulat ng Philippine Collegian na posibleng mula pa sa panahon ng World War II ang nasabing bomba.

Agad na isinara at inilikas ang nasabing gusali habang isinasagawa ang seguridad at operasyon ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team ng QCPD upang maayos na makuha at maitabi ang bomba.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang klase sa lugar.

Ayon sa pulisya, ligtas na nasiguro ang paligid at hawak na ng EOD ang vintage bomb para sa tamang disposisyon at pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --