
Agad inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang full-scale investigation sa insidente ng pambubugbog ng dalawang Intramuros Administration security guards sa isang isang 17-taong gulang na menor de edad sa Pasig River Esplanade, Intramuros, nitong Linggo ng gabi, Pebrero 8.
Inatasan na ni Mayor Isko sina Manila DSWD Director Jay Dela Fuente at MPD District Directorial Staff Chief P/Col. Dyan Agustin na imbestigahan ang pangyayari at kasuhan ang mga sangkot.
Base sa imbestigasyon, nabatid na ang insidente ay nagresulta sa pisikal na pinsala na tinamo ng biktima, at kasalukuyang nasa ospital.
Kaugnay nito, sinimulan na ng ahensya ang proseso upang tapusin ang kontrata ng JSL Security Agency, na kung saan ito ‘yung kumpanya ng dalawang guwardiya.
Sa kasalukuyan, sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Giit ni Mayor Isko, “guards should be guarding property”, hindi sila ang dapat mag-patrol o magpataw ng disiplina sa lansangan o pampublikong lugar.










