Inihayag ni Tuguegarao City Vice Mayor Bienvenido De Guzman na nasa maayos itong kalagayan matapos itong magpositibo sa COVID-19.
Bagamat nakaramdam ng sintomas tulad ng lagnat at pamamaga ng lalamunan, sinabi ng bise alkalde na malakas ang kanyang pangangatawan at patuloy na nakasubaybay sa operasyon ng lungsod kontra sa naturang sakit.
Ibinahagi naman ng bise alkalde na nahawa siya isang araw makalipas magpositibo ang isa sa kasama niyang nag-eensayo sa gym kung saan nahawaan naman niya ang kanyang pamangkin na kasama niya sa trabaho at ang biyenan nito.
Umaasa naman ang bise alkalde na magiging negatibo ang resulta ng isasagawang swab test sa pijtong miyembro ng kanyang pamilya, kasama ang kanyang apo na nagpapalamas na rin ng sintomas ng sakit.
Hinimok din niya ang lahat na laging sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols para sa kaligtasan ng lungsod at ng bawat isa.