Ikinokonsidera ni Vice President Sara Duterte ang pagkuha ng private security agency para sa kanyang personal protection dahil sa nawalan na umano siya ng tiwala sa buong pamahalaan.

Kung mangyayari ito, ibig sabihin kailangan niyang kumuha ng nasa 440 bodyguards para sa isang VIP, kung papantayan niya ang bilang ng itinalaga sa kanya bago ang bangayan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isiniwalat din ni Duterte na nagpdala siya ng sulat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. kung saan inilatag niya ang maraming kahilingan tungkol sa estado ng kanyang kasalukuyang security team na posibleng mabawasan o tatanggalin sa kanya.

Ayon sa kanya, sinabi niya kay Brawner na hindi niya tatanggapin ang mga ipapalit sa kanyang lumang security personnel at iwan na lang kung sinu ang maiiwan.

Sinabi niya na kung walang iiwan sa kanya na security, wala siyang magagawa kundi ang magkaroon ng arrangements sa labas ng AFP.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, nilinaw niya na hindi ito nangangahulugan na magkakaroon siya ng private army, sa halip ay ikinokonsidera niya ang “professional security services.”

Ayon sa kanya, hindi ito maituturing na private army at hindi niya alam kung ang mga ito ay papayagan na magkaroon ng mga baril.