Nakiisa si Vice President Sara Duterte sa selebrasyon ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa 39th anniversary ng sect kahapon.
Ito ay habang nagbabantay pa rin ang mga pulis na naghahanap sa pugante na si KOJC leader Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Duterte sa mga followers ng KOJC na pinayuhan siyang huwag dumalo sa kanilang selebrasyon, subalit hindi niya pinakinggan ang mga ito.
Inulit din niya ang kanyang unang paghingi ng patawad dahil sa pagkumbinsi niya sa KOJC na suportahan ang noon ay presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.
Tumakbo sina Marcos at Duterte bilang tandem noong 2022 sa ilalim ng Uniteam banner, subalit naghiwalay na ang mga ito matapos ang dalawang taon.
Tinawag pa ni Duterte ang isang linggo nang pananatili ng mga pulis sa KOJC compound na “a crisis, a disaster.”
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking.