
Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng impeachment laban sa kanya ng House Justice Committee, ayon sa kanyang abogado at tagapagsalita ng defense panel na si Michael Poa.
Sa isang ambush interview sa Batasang Pambansa Complex, sinabi ni Poa na dumalo siya sa pagdinig dahil ito ay isang “compulsory process,” matapos siyang padalhan ng subpoena ng komite.
Nang tanungin kung dadalo ang bise presidente, sinabi ni Poa na ipinaalam na ng kampo ng depensa sa komite na hindi siya makakadalo.
Si Poa, na dating tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) noong kalihim pa si Duterte, ay inimbitahang dumalo sa pagdinig kaugnay ng mga tanong sa paggamit ng confidential funds at sa kanyang koordinasyon sa Commission on Audit (COA).
Ilang alegasyon na ang ibinabato laban kay Duterte mula nang siyasatin ng iba’t ibang komite ng Kamara ang umano’y iregularidad sa paggamit ng confidential funds sa kanyang mga tanggapan.
Ilang opisyal ng ng DILG, NBI, COA, PSA, Legislative Research Management Office ang dumalo sa unang araw ng impeachment proceedings.










