Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa ikaapat na Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa July 28.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco may natanggap sila na mensahe mula sa Office of the Vice President na nagsasabing hindi dadalo si VP Duterte sa SONA.
Sa kabila nito, sinabi ni Velasco na nakahanda pa rin sila para tanggapin si VP Duterte sakaling magbago ang kanyang desisyon.
Ayon kay Velasco, bukod sa nakareserbang upuan, mayroon ding itinalaga na holding room para kay VP Duterte at kanyang immediate staff dahil kabilang siya sa institutional guest kasama ang mga pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan at justices ng Supreme Court.
Kung hindi dadalo si VP Duterte, ito na ang ikalawang SONA na hindi siya dadalo.
Matatandaan na hindi dumalo si VP Duterte sa SONA ni Marcos nitong nakalipas na taon sa pamamagitan ng pagsasabing itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang designated survivor.
Marami ang pumuna sa kanyang sinabi dahil ang sikat na US at South Korean Series na may pamagat na Designated Survivor ay tungkol sa Cabinet official na isang designated survivor kaya hindi dumalo sa State of the Union Address, at ang mga dumlo sa pagtitipon ay mamamatay sa pamamagitan ng pagpapasabog.