Ipinaliwanag ng Philippine National Police (PNP) na inilipat ang mga pulis na dating nakatalaga kay Vice President Sara Duterte sa ibang assignment.

Ginawa ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang pahayag bilang reaksion sa sinabi ni VP Duterte na ipinag-utos niya ang pag-prelieve sa 75 na PNP at security personnel.

Itinanggi rin ni Marbil na sinibak ang mga nasabing pulis at nilinaw na ang mga pulis na nakatalaga kay VP Duterte ay hindi na-single out.

Sinabi ni Marbil na binawi din ang security contingent ng ibang retired generals dahil sa kakulangan ng mga tauhan lalo na sa Metro Manila.

Ayon sa kanya, ang mga nasabing pulis ay itatalaga sa National Capital Region Police Office.

-- ADVERTISEMENT --