Naghain si Vice President Sara Duterte ng perjury complaint laban kay Ramil Madriaga, ang sinasabing dati niyang aid na nagsabi na ang kampanya ay pinondohan ng drug dealers at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Inihain ni VP Duterte ang reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office, kung saan sinamahan siya ng kanyang legal counsel na si Paolo Panelo Jr.

Matatandaang noong December 2025, sinabi ni Madriaga na drug dealers at POGO operations ang nagpondo sa Inday Sara Duterte is may President (ISIP) Pilipinas national campaign at iba pang parallel groups.

Ang mga alegasyon ni Madriaga ay isinama sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Una na ring itinanggi ni VP Duterte na nagkaroon siya ng personal relationship kay Madriaga, at inakusahan niya ito na nais na sirain ang kanyang pagtakbo bilang presidente.

-- ADVERTISEMENT --