Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi pagbabanta ang binitawan niyang pahayag laban kina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos.

Sinabi nya na ang mga binitiwan niyang pahayag ay bunga ng kaniyang pangamba sa kanyang buhay.

Ani Duterte, may mga naririnig siyang banta sa kanyang buhay kung saan siya ay pinag-iingat.

Paliwanag ni VP Sara, wala siyang dahilan para patayin ang mag-asawang Marcos dahil wala naman syang magiging benepisyo rito.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na hindi nila ipinasawalang bahala ang inilabas na pahayag ni VP Sara kaugnay sa pagkuha nito umano nito ng “assasin” para patayin ang Pangulo kung sakaling mayroong pumatay sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --