Kinikilala ni Senator Risa Hontiveros na si Vice President Sara Duterte ang pinakamalakas na potential na kandidato para sa 2028 presidential race sa ngayon.

Kasabay nito, sinabi ni Hontiveros na kailangan ang nagkakaisang oposisyon para makahanap ng malakas na kandidato na posibleng makakatapat sa kalakasan ngayon ni Duterte.

Sinabi ni Hontiveros na kailangan na maingat na pumili ang oposisyon ng standard-bearer na makakatapat ni Duterte para sa pampanguluhang halalan.

Idinagdag pa ni Hontivros na ang unified opposition candidate ay dapat na mag-alok ng malinaw na alternatibo mula sa mga nakaraang leadership models.

Kaninang umaga ay inanunsiyo ni Duterte na tatakbo siya bilang presidente ng bansa sa 2028 national elections.

-- ADVERTISEMENT --