Tinawag ni Vice President Sara Duterte na malinaw na “political harassment” ang pagtanggal sa kanyang 75 police security.
Sa apat na pahinang open letter sa kanyang official Facebook page, binatikos ni Duterte si Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil dahil sa mga kasinungalingan na kanyang sinabi kaugnay sa pagbawi sa kanyang police protection detail.
Sinabi ni Duterte na agad na tinanggal ang kanyang PNP security matapos na magbitiw siya bilang sceretary ng Department of Education, sa kanyang komento sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at matapos ang lumabas na video na nagpapakita na gumagamit umano ng iligal na droga si Marcos.
Kinontra rin niya ang sinabi ni Marbil tungkol sa pagtanggal sa kanyang police security, kung saan iginiit niya na walang official request sa Office of the Vice President kaugnay sa nasabing hakbang, taliwas sa sinabi ng PNP chief.
Ipinunto din niya kasinungalingan ang sinabi ni Marbil na walang banta sa kanya, lumabas ang footage niya at kanyang pamilya na umalis ng bansa at ang pagtatangka umano ng mga pulis na gumawa ng kaso sa kanyang tahanan na may mga batang nakatira.
Dahil dito, kinuwestion niya kung bakit nag-iwan pa si Marbil ng 45 PNP personnel na ang heneral mismo ang pumili kung walang banta sa kanyang buhay.
Sinabi ni Duterte na asahan ni Marbil na maglalabas siya ng sulat na ibalin sa ang mga nasabing pulis sa PNP.