Nagkasagutan sina Vice President Sara Duterte-Carpio at Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ito’y matapos usisain ni Hontiveros ang tungkol sa P10 milyong alokasyon para sa libro na ipapamahagi ng Bise Presidente para sa mga bata sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Hindi naman nagustuhan ni Duterte ang pagkuwestiyon na iyon ng senadora at sinabing isa lang itong uri ng pamumulitika sa pondo ng kanyang tanggapan.
Binanggit pa ng Bise Presidente ang sinabi noon ni Hontiveros sa Akbayan Congress kung saan sinabi umano ng senadora na maraming kalat ang dating Presidente na mahirap linisin.
Pero giit ni Hontiveros, walang kinalaman ang sinabi ni VP Sara sa tinatalakay ng komite na panukalang P2.037 bilyong pondo ng kanyang tanggapan para sa susunod na ton.
Giit naman ni Duterte-Carpio, hindi “for sale’ ang libro at ang gagastusin ay para sa publication nito.
Kasunod nito ay muling nainis ang Bise Presidente at sinabing isang uri na naman ito ng pamumulitika sa gitna ng budget hearing ng OVP.
Hindi naman nagpaawat si VP Sara at sinabing, hindi rin niya maintindihan ang ugali ng senadora.
Binanggit pa niya noong panahon na humingi ng tulong sa kanya ang senadora noong tumakbo sa pagka-senadora sa ikatlong pagkakataon.