Muli na namang bibiyahe si Vice President Sara Duterte, at sa pagkakataong ito ay pupunt siya sa Australia.
Ayon sa Office of the Vice President, “personal trip” ang biyahe ni VP Duerte.
Gayonman, tumangging magbigay ng detalye ang OVP kaugnay sa nasabing biyahe ni VP Duterte, kabilang kung kailan siya umalis at kung kailan siya babalik ng bansa.
Ang sinabi lamang ng OVP, dadalo si VP Duterte sa isang rally sa Melbourne sa June 22, na tinawag na ” Free Duterte Now,” na mananawagan na palayain na ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong ngayon sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
Matatandaan na una nang pumunta si VP Duterte sa Malaysia na sinabi din na “personal trip,” kung saan nakipagkita siya sa overseas Filipino workers.
Wala pa mang isang buwan bago ang biyahe niya sa Malaysia, siya ay nagtungo sa Netherlands para sa kanyang birthday celebration at binisita ang kanyang ama, at pinangunahan din ang protesta na nanawagan na palayain na si dating Pangulong Duterte.