Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang Marcos administration dahil sa iginigiit na may active threat sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng kanyang pahayag na may kinausap siya na tao na papatay sa pangulo kung siya ay papatayin.

Binigyang-diin ni Duterte na ang conditional act of revenge ay hindi maituturing na active threat.

Ayon kay Duterte, ang kanyang paliwanag ay bilang pag-iingat dahil ang mga tinawag niyang sychophants o manghuhula ni Marcos ay nagbebenta ng salaysay na base lamang sa kanyang mga pahayag.

Nilinaw din niya na ang kanyang pahayag ay hindi isang banta, at ang gusto niyang iparating ay ang banta umano sa kanyang seguridad.

Bukod dito, sinabi ni Duterte na wala siyang ginamit na salitang assassin sa kanyang mga pahayag.

-- ADVERTISEMENT --