Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na pumunta sa Batasan Complex si Vice President Sara Duterte para dalawin ang kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Ikinulong si Lopez matapos siyang ma-cite for contempt ng House committee on good government and public accountability, na nag-iimbestiga sa kung paano ginamit ng Office of the Vice President (OVP) ang public fund sa ilalim ng pamumuno ni Duterte sa gitna ng mga alegasyon ng hindi tamang paggamit ng pondo, dahil umano siya nagsasabi ng totoo.
Ayon kay Lopez, dumating si Duterte sa oras na 7:40 kagabi at nanatili sa visitor’s center hanggang 10:00 p.m..
Matapos na sabihan si Duterte na tapos na ang visiting hours, nagpasiya siya na pumunta sa tanggapan ng kanyang kapatid na si Congressman Pulong Duerte kung saan siya nagpalipas ng magdamag.
Mananatili si Lopez sa Kamara sa loob ng limang araw hanggang sa susunod na pagdinig sa November 25.
Si Rep. France Castro ang nagsulong para ma-contempt si Lopez, na sinang-ayunan naman ito ng iba pang mambabatas.
Nabatid na nasa Butuan City si VP Sara nang humarap si Lopez sa hearing ng Kamara.
Nasa Caraga siya para sa aktibidad ng Office of the Vice President (OVP) sa nasabing rehiyon.