
Nagpahayag ng kahandaan si Vice President Sara Duterte na maupong pangulo sakaling bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa mga walang humpay na kurapsyon na nagaganap sa bansa.
Dagdag pa nito na hindi na dapat kuwestiyunin ang kaniyang kahandaan dahil naipresenta niya ang sarili noong tumakbo siya bilang Bise Presidente ng bansa kung saan sa batas ay siya ang nakahanay na papalit sa pangulo.
Sinabi pa ng Bise Presidente na mayroon itong sinumpaan na marapat na idepensa at ipreserba ito sa anumang paraan.
Handa ring samahan ni Duterte si Pangulong Marcos na sumailalim sa drug test para mabura ang mga bintang sa kaniya na ito ay gumagamit ng iligal na droga.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang vice president ang una sa linya sa line of succession sakaling mamatay, permanent disability, removal from office, o resignation ng presidente.
Ang mga pahayag ni Duterte ay matapos na manawagan ang maraming grupo kay Marcos na magbitiw sa puwesto sa gitna ng lumalalang eskandalo sa korapsyon, partikular ang tungkol sa infrastructure projects ng pamahalaan kung saan maraming mambabatas at mga opisyal ang isinasangkot.
Maging si Marcos ay isinangkot, kung saan inakusahan siya ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na ipinag-utos ang insertion ng P100 billion sa kontrobersiyal na 2025 national budget.
Mariing pinabulaanan ito ng Malacañang at tinawag itong “hearsay.”










