Inihayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya nababahala sa posibleng impeachment complaint laban sa kanya dahil sa inaabangan na umano niya ito.

Gayonman, tinawag niya itong “political harrassment” tungkol sa mga alegasyon laban sa kanyang kapatid na lalaki, si Davao City Rep. Paolo Duterte, at sa kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio, matapos na isang testigo sa pagdinig ng kamara ang isinangkot sila sa sabwatan kaugnay sa P11 billion na shipment ng shabu noong 2018.

Subalit, umiiwas si VP Duterte na sagutin ang mga nasabing alegasyon dahil hindi umano siya maaaring magsalit para sa kanyang kapatid at asawa.

Tugon ito ni VP Duterte sa pagdinig sa kamara nitong nakalipas na linggo, kung saan isinangkot ni Jimmy Guban, dating customs intelligence officer si Duterte at Carpio sa smuggling ng 355 kilograms of “shabu” na itinago sa steel magnetic filters.

Nakalusot ang mga nasabing droga sa inspection ng Bureau of Customs nang makarating ito sa Manila International Container Terminal in 2018.

-- ADVERTISEMENT --