Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial at mga alegasyong kinahaharap niya.

“I will not resign, will never resign from the Office of the Vice President,” pahayag ni Duterte sa mga mamamahayag nitong Martes.

Sa ika-39 na araw ng impeachment trial, tinatalakay ng Senado ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente at ng kaniyang asawang si Manases Carpio. Nakatakdang simulan ng defense panel ang paglalahad ng mga ebidensiya at saksi sa Nobyembre 9.

Samantala, sinabi ni Duterte na kinokonsulta niya ang kaniyang mga abogado hinggil sa mga hakbang na ginagawa nina Ramil Madriaga, Rodulfo Gracioso Jr., NBI Director Melvin Matibag at dating senador Antonio Trillanes kaugnay ng mga alegasyon laban sa kaniya.

Itinanggi ng bise presidente ang mga paratang at kinuwestiyon ang paggamit umano ng pondo ng gobyerno para siraan siya.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala rin si Duterte na posibleng magkaroon ng dayaan at patuloy na black propaganda sa 2028 national elections kung matutuloy ang halalan.