Hinihikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na maging mapanuri at huwag basta magpapadala sa mga paninira.

Sa harap ito ng aniya’y nangyayaring pagtatakip ngayon sa nakawan sa kaban ng bayan kung saan hanggang ngayon ay walang napapanagot.

Nanawagan din si VP Sara sa publiko na manatiling matatag sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hinihimok din ni VP Sara ang publiko na patuloy na magdasal para sa kapayapaan.

Tiniyak din ng pangalawang pangulo na magpapatuloy ang Office of the Vice President sa pagbibigay ng serbisyo at sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --