Sinabi ng prosecution witness na si NBI-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na naniniwala siyang may kakayahan si Vice President Sara Duterte na isakatuparan ang umano’y banta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa ikalimang araw ng impeachment trial, tinanong ni Senate President Sherwin Gatchalian si Lotoc kung naniniwala siyang may kakayahan ang Bise Presidente na gawin ang naturang banta.

Sumagot si Lotoc ng “Definitely po.”

Ipinaliwanag ni Lotoc na isa sa mga batayan ng NBI ay ang posisyon ni Duterte bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Idinagdag din niya na isinama sa kanilang pagsusuri ang background ng pamilya Duterte, kabilang ang kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court kaugnay ng umano’y extrajudicial killings.

-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling bahagi ng presentasyon ng prosekusyon ang testimonya ni Lotoc bilang suporta sa Article IV ng impeachment complaint na tumutukoy sa umano’y grave threats at betrayal of public trust laban kay VP Duterte.