Umaani ng batikos si Vice President Sara Duterte sa kanyang self-appointment na “designated survivor.”
Kaugnay nito, pinayuhan ng ilang mambabatas si Duterte na iwasan ni Duterte ang masyadong panonood ng Netflix.
Pinaalalahanan ng mga kongresista si Duterte na ang pagkakaroon ng designated survivor ay wala sa Saligang Batas.
Binigyan diin ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. na dapat na basahing mabuti ni Duterte ang Konstitusyon.
Pinayuhan naman ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo si Duterte na maging maingat dahil hindi magandang basehan sa kanyang mga aksiyon ang Netflix series.
Ayon sa kanya, na wala pang nagyabang sa nakalipas na State of the Nation Address na siya ang designated survivor at si Duterte lamang ang gumawa nito at ginamit din na dahilan para hindi dumalo sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi naman ng mga kritiko, ang mga pahayag ni Duterte at tila nagpapahiwatig ng banta at may mangyayaring hindi maganda sa mga lider ng bansa na dadalo sa SONA.