Inihayag ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay “maliciously taken out of logical context.”
Sinabi ito ni Duterte sa isang open letter nang kuwestionin niya ang pahayag ng National Security Council (NSC) na ikononsidera na “serious and a matter of national security” ang lahat ng banta laban kay Marcos.
Ayon kay Duterte, nais niyang makita ang kopya ng notice of meeting na may proof service, ang mga dumalo, mga larawan sa pulong, at ang notarized minutes ng pulong ng council, bago o nakaraan, para ituring ang mga pahayag ng bise presidente laban sa presidente na mali ang pagakakaintindi, ay isang national security concern.
Bukod dito, hiniling din ni Duterte na isama sa agenda sa susunod na pulong na iprisinta niya sa NSC ang banta sa bise presidente, OVP institution at sa mga personnel nito.
Hinamon din niya ang depenisyon ng NSC sa national security, kung saan ipinunto niya na ito ay tungkol sa proteksion sa ating soberenya, kung saan nakapaloob lamang ang tungkulin ng NSC sa pagbuo ng mga policies.
Kinuwestion din niya kung bakit hindi siya inimbitahan sa pulong, habang siya ay miyembro ng konseho, kung saan tinukoy niya ang Executive Order 115 (1986).
Ayon sa kanya, wala siyang natanggap na imbitasyon buhat noong June 30, 2022.
Dahil dito, hiniling niya sa NSC na isumite sa kanya ang notarized minutes ng lahat ng pulong na isinagawa ng konseho mula June 30, 2022.
Ayon sa kanya, nais niyang pag-aralan ang mga accomplishment ng NSC sa kanilang mga policies at recommendations para sa national security.
Ang usaping ito ay nag-ugat sa naging pahayag ni Duterte na may sinabihan siya na tao na papatay kay Marcos, sa kanyang asawa na si Liza at kamag-anak na si House Speaker Martin Romualdez kung siya ay papatayin.