
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang sapat na ebidensya ang mga alegasyong nakasaad sa impeachment complaint laban sa kanya, kasunod ng ikaapat na araw ng paglilitis sa Senado.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Duterte na napatunayan umano sa pagdinig na hindi suportado ng ebidensya ang reklamo laban sa kanya. Aniya, walang aktuwal na banta o assassin na sangkot at hindi dapat ibatay ang impeachment sa haka-haka, gawa-gawang salaysay, o mga alegasyong walang matibay na batayan.
Ang pahayag ng Bise Presidente ay kasunod ng testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Atty. Jeremy Lotoc, na nagsabing batay sa imbestigasyon ng ahensya, nakita nilang may layunin, motibo, at kakayahan umano si Duterte na isakatuparan ang mga sinasabing pagbabanta. Muling humarap si Lotoc bilang testigo sa ikalimang araw ng impeachment trial.










