Nagpayo ni Vice President Sara Duterte na kailangan nang sumulong ang ating bansa dahil sa may posibilidad na hindi na babalik sa bansa ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kanyang pagkakaaresto.

Reaksion ito ni VP Sara nang matanong siya sa virtual press conference kung ano ang kanyang nararamdaman para kay National Security Adviser Eduardo Año, nang agad na inaresto si Duterte pagdating niya sa Manila mula sa Hong Kong nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa kanya, wala siyang nararamdaman, at hindi rin umano siya galit o dismayado, dahil sa wala na rin umanong silbi na magtanim pa ng galit sa nangyari dahil hindi na babalik sa bansa ang kanyang ama.

Sa kabila na walang nakikitang pagsisikap mula sa mga awtoridad na maibalik sa bansa si Duterte, sinabi ni VP Sara na patuloy na maghahanap ang kanilang kampo ng mga paraan para maibalik ang ama sa bansa.

Idinagdag pa ni VP Sara na sinabi sa kanya ng ama na gusto pa niyang magsilbi muli bilang mayor ng Davao City.

-- ADVERTISEMENT --